Ang mga magsasaka ay isa sa mga mahahalagang tao sa ating bansa. Ito ay dahil kung wala sila, walang magproprodyus ng bigas na lahat ng mamamayan ay kinakain.
Dahil ang mga magsasaka ang umaani at nagtatanim ng mga palay sila rin ang nagaalaga ng mga ito upang tayo ay makakain ng kanin sa ating hapag kainan. Malaki rin ang naiambag nila sa paglago ng ating Agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ating mga produktong pang Agrikultura sa ibat-ibang bansa sa mundo.
Kung ako ang tatanungin, talagang talagang uunlad ang agrikultura kapag may mga sariling lupa ang ating mga magsasaka. Ito ay dahil kapag may mga sariling lupa ang ating mga magsasaka, mas mapapabilis ang produksyon ng sektor ng agrikultura at syempre mas sisigla ang ating mga magsasaka dahil may mga sariling lupa nga sila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento