Martes, Marso 4, 2014

NASAAN NGA BA SI JUAN DELA CRUZ SA PDP NI PNoy?




Madami nang presidenteng ang namahala sa ating bansa 

pero hanggang ngayon hindi parin nasosolusyunan ang 

kahirapan sa ating bansa. Ang ating pangulo ngayon ay si 

Presidenteng Noynoy Aquino. Tatlong taon na syang 

naglilingkud sa ating bansa ngunit parang wala paring 

pagbabago sa ating bansa, at para sa akin, mas lalo pa 

itong gumagrabe



Ano na nga ba ang mga nagawa ni Pnoy para sa ating bansa? Oo alam nating marami na syang ginawa pero bakit ganito parin ang ating bansa, mahirap parin at hindi umuunlad? Laganap na ngayon sa ating bansa ang mga pagtaas ng mga bilihin at kung ano ano pang presyo sa ating bansa. Isyu rin sa ating bansa ang pork barrel scam kung saan nakuha ang pera ng bayan at ginamit lang ito sa kung saan saan.Hanggang kelan nga ba ito magtatagal? Kelan ba makakamtan ng mga mahihirap ang gusto nilang makaranas ng masarap na buhay? Kelan ba ang Pilipinas aahon sa kahirapan? 


PEACE AGREEMENT NG BANGSAMORO AT NG PAMAHALAAN


Pinaniniwalaang malaki ang maitutulong ng framework agreement na nilagdaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Oktubre 15, sa pagtiyak na magiging payapa ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Jimenez, inatasan na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyakin ang seguridad sa halalan.



Inamin naman ni Jimenez na wala pang napag-uusapan kung ano ang magiging epekto ng framework agreement sa eleksiyon.
Sa bisa ng framework agreement, itatatag ang autonomous political entity na Bangsamoro region, na papalit sa ARMM sa 2016.

Itoang unang pagkakataon na isasabay ang ARMM elections sa pambansang halalan. Sa nakalipas na mga taon, maraming kaguluhan at karahasang iniuugnay sa eleksiyon ang naitatala kapag halalan sa ARMM.



Kung ako naman ang tatanungin, makakabuti ang Bangsamoro agreement ng MILF at ang gobyerno, ito ay dahil matigil na ang mga away at kung ano ano pa ang mga gulo sa gitna ng MILF at ang gobyerno. Alam naman nating hindi nagkakasundpo ang MILF at ang gobyerno at buti ngayon ay meron ng agreement sa pagitan nila.

UUNLAD NA BA ANG AGRIKULTURA KUNG ANG LAHAT NG MAGSASAKA AY MAY SARILING LUPA?


Ang mga magsasaka ay isa sa mga mahahalagang tao sa ating bansa.  Ito ay dahil kung wala sila, walang magproprodyus ng bigas na lahat ng mamamayan ay kinakain.





Dahil ang mga magsasaka ang umaani at nagtatanim ng mga palay sila rin ang nagaalaga ng mga ito upang tayo ay makakain ng kanin sa ating hapag kainan. Malaki rin ang naiambag nila sa paglago ng ating Agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ating mga produktong pang Agrikultura sa ibat-ibang bansa sa mundo. 

Kung ako ang tatanungin, talagang talagang uunlad ang agrikultura kapag may mga sariling lupa ang ating mga magsasaka. Ito ay dahil kapag may mga sariling lupa ang ating mga magsasaka, mas mapapabilis ang produksyon ng sektor ng agrikultura at syempre mas sisigla ang ating mga magsasaka dahil may mga sariling lupa nga sila.

Hacienda Luisita Massacre

Ang Hacienda Luisita ay isang 4,435 hektaryang lupaing taniman ng asukal sa Tarlac na pag-aari ng pamilya Cojuangco na kinabibilangan ng dating Pangulong Corazon Aquino at kanyang anak na Pangulong Noynoy Aquino. Ito ay sinasabing kasing-laki ng pinagsamang mga lungsod ng Makati at Pasig.



Kung ako ang tatanungin, hindi makatarungan ang nangyari sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Bakit? Ito ay dahil ang daming mga magsasaka ang namatay para lang ipaglaban ang mga lupa na para sakanila ay ito ay dapat pagmamay-ari nila. Kung inyong makikita o mapapanuod ang sinapit ng Hacienda Luisita Massacre, walang kaawa awang pinagpapaslang ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga baril, paglalagay ng mga mauusok na kagamitan upang hindi makahinga ang mga magsasaka.

Para sa akin, para hindi na nagkagulo pa noon, ay dapat binigay nalang ng gobyerno ang dapat na para sa mga magsasaka. Para sa gayon, walang namatay, walang dumanak ng dugo, at wala sanang nasaktan. Ang mga magsasaka naman din ang naghihirap at todo kayod para lang makapagbigay ng sapat na bigas para sa ating mamamayan kung kayat may karapatan silang maghingi ng kahit lupa man lang na masasabi  nilang para sa kanila. Atin na lamang ipagdasal ang mga kaluluwang nagbuwis ng buhay para sa kanilang karapatang magkaroon ng sariling lupa, at hanggang sa huli ay ipinaglaban nila ito.